Inspired by Manny Pacquiao, I was able to write a poem… I dedicate
this work to Manny, to all the hundreds and thousands of Filipinos who are
struggling to overcome the devastating effects of Super Typhoon Pablo that hit
the southern part of the country, and to all the Filipinos out there who remain
optimistic despite the challenges we face these days, this is all for you…
Mabuhay ang Pilipinas!
Perlas ng Silangan ang sa 'yo'y turing,
Buong mundo'y humahanga sa natatangi mong galing
Kahit saan man dako, ika'y kapansin- pansin
Pagkat Pilipino ay kilala sa husay nyang angkin
Ika'y nangunguna sa iba't- ibang larangan,
Sa mundo ng sining man at maging sa palakasan
Ngalan mo'y binabanggit, sa labi ng banyaga'y namumutawi,
Kilala kahit saan, Pilipino ikaw ay tinatangi!
Sa iyo mang paglaban ika'y di magwagi,
Mapalitan man ang saya ng luha at pighati
Pagsubok lang 'yang ituring, huwag kang pagugupo,
Minsan pang pag- alabin, apoy sa iyong puso
Takpan man ng ulap ang iyong araw,
Pighati ma'y dumating at siyang pumaimbabaw
Ika'y di hihinto, patuloy na maglalayag,
Haharapin ang unos at muling mamamayagpag!
Dumating man ang dilim at mapawi ang liwanag,
At sa iyong paghakbang ay walang maaninag
Sa likod mo'y naroroon, Diyos na Maykapal
Hawak ang iyong kamay sa bawat pagpapagal
Bangon Pilipinas, sapagkat kaya mo 'yan!
Bangon Pilipinas, ituloy mo ang laban!
Madapa man minsa'y babangon muli,
Hindi titigil, hindi kaylanman pagagapi!
No comments:
Post a Comment